Special monitoring ng school supplies, isasagawa ng DTI

Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, magsasagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) ng “special monitoring” sa mga school supplies sa Divisoria.

Pangungunahan ito ng ilang kawani ng Trade department kabilang na sina DTI Secretary Ma. Cristina A. Roque, Assistant Secretary Atty. Agaton Teodoro O. Uvero (DTI-Fair Trade Group) at Director Atty. Regino D. Mallari Jr. (DTI-Fair Trade Enforcement Bureau).

Una nilang lilibutin ang ilang mga tinda sa Divisoria sa Maynila na siyang bilihan ng school supplies dahil sa murang halaga.

Nais matiyak ng DTI na nananatiling stable ang mga presyo o abot kaya para sa mga mamimili at ligtas itong gamitin ng mga estudyanteng balik eskwela.

Facebook Comments