
Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang special non-working day sa anim na lugar sa bansa ngayong buwan ng Marso.
Sa proklamasyong nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, bilang walang pasok sa Tanauan City, Batangas sa March 10 para sa ika-25 Cityhood Anniversary at sa Norala, South Cotabato para sa Founding Anniversary.
Sa March 13, walang pasok sa Bauko, Mountain Province para sa Begnas di Bauko Festival.
Sa March 16 naman, special non-working day sa Aguilar, Pangasinan para sa Ansakket Festival.
Idineklara ring walang pasok sa buong lalawigan ng Masbate sa March 18 para sa ika-125 Founding Anniversary nito.
Habang sa March 20, special non-working day sa Lungsod ng San Fernando, La Union para sa kanilang Founding Anniversary.
Ayon sa Malacañang, layunin ng deklarasyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na ganap na makiisa sa kanilang lokal na pagdiriwang.










