SPECIAL NON-WORKING DAY, IDINEKLARA SA SANTIAGO

CAUAYAN CITY- Pormal nang idinerklara ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago na Special Non-Working Day ang ika-25 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Ang kautusan na ito ay ibinaba sa ilalim ng Proclamation No. 593 na nagdedeklarang Special Non-Working Day ang Lungsod ng Santiago bilang paggunita sa Aggaw na Naturales Day.

Layunin nito na mabigyang pagkakataon ang mga Santiagueño na makasali sa pagdiriwang ng nasabing selebrasyon at upang maramdaman ang tunay na saya sa paggunita nito bilang isang Santiagueño.


Samantala, ang proklamasyon na ito ay nilagdaan noong ika-13 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Facebook Comments