Ito ay makaraang lagdaan ni Malacañang Executive Secretary Salvador Medialdea ang Proclamation no. 1352 na may pahintulot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga Santiagueño na maging bahagi ng paggunita sa ika-28 taon na pagkakatatag bilang isang Independent Component City ng lungsod ng Santiago at ng 2022 Balamban Dance Festival.
Kaugnay nito, highlight rin ng festival ang Mutya ng Santiago 2022 beauty pageant kung saan ilang kilalang Beauty Queen ang naimbitahan gaya na lang nila Miss Grand International 2020 1st Runner-Up Samantha Bernardo, TV Host Sean Kyle Ortega, Actor Performer Patrick Quiroz.
Kabilang naman sa mga magiging hurado ang kilalang Fashion Designer Bing Cristobal, Bb. Pilipinas International 2021 Hannah Arnold, Miss Philippines Earth Water Jessica Marasigan, Mister Philippines World 2016 Sam Ajdani at Miss Grand International 2016 Nicole Cordoves.