Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo’t huling pagbasa ng kamara angpanukalang batas na magdedeklara bilang Special Nonworking Holiday para samga kasambahay ang January 18.225 mambabatas ang pumabor habang walang tumutol at nag-abstain sapagkakapasa ng house bill 6285 o ‘Araw Ng Kasambahay Act’.Ayon kay house Deputy Speaker, Ilocos Sur 2nd District Rep. Eric Singson –layunin ng panukalang bigyan ng pagkilala at pagpapahalaga ang mgakasambahay dahil sa kanilang tapat na serbisyo sa bawat pamilya at tahanan.Nakapaloob sa panukala na bibigyan ng isang araw na pahinga ang mgakasambahay kung saan kapag nagkataong tumapat pa ng weekend (Sabado oLinggo) ang petsa, Biyernes ito gugunitain.Sinabi ni House Majority Leader, Ilocos Sur 1st District Rep. RodolfoFariñas – hindi makakailang malaki ang papel ng mga domestic workers sapaghubog ng ating lipunan.Minamandato ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department ofEducation (DepEd) at Philippine Information Agency na bumuo ng mgaaktibidad para sa information campaign para bigyang parangal ang mgakasambahay.
SPECIAL NONWORKING HOLIDAY | Araw ng Kasambahay Bill, lusot na sa ikatlo’t huling pagbasa ng Kamara
Facebook Comments