Manila, Philippines – Nirekomenda na ng special panel ngCommission on Audit o COA na kanselahin na ang joint venture agreement ng Bureauof Corrections (BUCOR) sa Tagum Agricultural Development Company Incorporated oTADECO.
Kaugnay ito sa paglabag ng TADECO sa konstitusyon nanaglilimita sa mga pribadong korporasyon na humawak o umupa sa mga pampublikonglupain pang-agrikultura na dapat hanggang 1,000 hectares lamang.
Batay kasi sa ilalim ng kasunduan na pinirmahan noong1969, pinayagan ang TADECO na umupa sa 3,000 hektaryang lupain na pagmamay-aring BUCOR sa Davao prison penal farm para gawing taniman ng saging.
Lumalabas din na noong mayo 2003, inamyendahan angkasunduan at itinaas sa mahigit 5,000 hektarya ang lupang inupahan ng TADECO.
Dahil dito, pinagbabayad ng P26.5 million bawat taon ang TADECOna tataas ng 10% kada limang taon bukod pa sa parte na kita ng plantasyon namatatanggap ng gobyerno.
Ang TADECO ay isa pinakamalaking platasyon ng saging sabansa na pagmamay-ari ng pamilya ni Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr.
Special panel ng COA – pinakakansela na ang joint venture agreement ng BUCOR at TADECO
Facebook Comments