Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi na kailangan ng mga essential workers na magkaroon ng special pass kasabay ng pagpapatupad ng uniform curfew sa Metro Manila simula sa Lunes, March 15.
Ayon kay MMDA Chairperson Benjamin Abalos, hindi na kailangang magpakita ng mga essential workers ng special IDs o passes sa mga tapagpatupad ng curfew.
Wala na aniya dapat ipag-alala dahil pwede na nilang iprisenta ang kanilang company IDs.
Nabatid na ang uniform curfew ay iiral sa 17 siyudad at munisipalidad sa National Capital Region (NCR) mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Facebook Comments