Saturday, March 21, 2026

Special pay-out para mga tricycle driver na hindi pa nakakakuha ng kanilang cash relief assistance ngayong linggo, isasagawa ng DSWD sa susunod na linggo

Magsasagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng special pay-out para sa mga tricycle driver na hindi pa nakakakuha ng kanilang cash relief assistance ngayong linggo.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, sa susunod na linggo nila isasagawa ang special pay-out.

Pero hindi pa idinitalye ni Dumlao ang isasagawang pay-out kabilang na ang petsa kung kailan ito aarangkada.

Aniya sa huling datos ng DSWD ay nasa mahigit 90,000 na tricycle driver na ang nakinabang sa P5,000 na cash relief assistance.

Mula ito sa mahigit 120,000 na mga tricycle driver na kuwalipikadong tatanggap ng ayuda.

Una nang nilinaw ng DSWD na hindi makakatanggap ng ayuda ang mga tricycle driver na colorum ang unit na ginagamit sa pamamasada.

Facebook Comments