Special permit, inilabas ng LTFRB sa mga kompanya ng bus kasunod ng demand ng pampublikong transportasyon ngayong darating na BSKE at paggunita ng Undas

Epektibo na ngayong araw ang special permit na ibinigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilang kompanya ng bus sa bansa.

Ito ay para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataang Elections at paggunita ng Undas kung saan inaasahang magsisi-uwian ang ating mga kababayan sa kani-kanilang probinsya.

Ayon sa LTFRB, tatagal ang special permit hanggang November 6, 2023 kung saan mas mahaba ngayong taon ang ibinigay na bisa dahil sa magkakasunod ang holidays o long weekend.


Inaasahan kasi na mas mataas ang demand sa pampublikong transportasyon sa mga ganitong okasyon.

Batay sa datos ng LTFRB, nasa mahigit 700 bus unit ang humiling ng special permit ngayong long weekend.

Facebook Comments