Aprubado na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang special permits ng nasa dalawampu’t anim o 26 na mga bus sa buong Rehiyon Uno na bibiyahe ngayong Holy Week.
Layunin nitong masiguro na walang magiging problema pagdating sa bilang ng mga babyaheng pampublikong sasakyan.
Tiniyak din ang maayos na biyahe sa pamamagitan ng pagkondisyon ng mga pampasaherong sasakyan, maagang pag-inspeksyon sa mga ito upang maiwasan ang anumang problema at mabigyan ng nararapat na solusyon bago pa ito gamiting pangbyahe.
Ayon sa ilang bus driver, hangga’t may mga pasahero ay magpapatuloy ang mga ito sa pagbyahe. Alinsunod dito, extended din ang oras ng mga byahe.
Sa lungsod naman ng Dagupan, pinayuhan ng bus drivers ang mga pasahero na agahan na umano ang pagkuha o pagbili ng ticket para sa kanilang mga itinerary upang hindi na mahirapang pumila sa mismong araw ng kanilang pagbiyahe at upang hindi na ma-delay para makarating agad sa kanilang mga destinasyon. |ifmnews
Facebook Comments