Pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bisa ng special permit ng mga bus na babiyahe sa Holy Week.
Mula sa orihinal na isang linggo, papayagang makabiyahe ang mga karagdagang bus simula March 31 hanggang April 17.
Sabi ni LTFRB Technical Division Head Joel Bolano, inaasahan kasi nila na marami ang mag-e-extend ng bakasyon sa mga probinsya dahil sa mas pinahabang Holy Week break.
Regular holiday ang April 6, Huwebes Santo at April 7, Biyernes Santo habang special non-working holiday ang April 8, Sabado de Gloria.
Wala ring pasok sa Lunes, April 10, matapos na ilipat ang paggunita sa Araw ng Kagitingan.
Sa ngayon, pino-proseso na ng LTFRB ang aplikasyon ng 712 bus units para sa special permit.
Facebook Comments