Kamangha manghang talento sa larangan ng sining ang nasaksihan kamakailan lamang sa isinagawang Special Program in the Arts Annual Recital and Exhibit ng mga mag-aaral mula sa Calasiao Comprehensive National High School sa Bayan ng Calasiao.
Kita sa mga mag aaral ang angking husay sa dulaan at musika sa harap ng madla bilang pagpapakita ng kahalagahan ng sining para sa mga tulad nilang kabataan.
Agaw pansin rin ang ilan sa ilustrasyon or portrait na talaga namang makulay at mahusay sa pagkakaguhit na tila bang professional ang nagpinta.
Layunin ng programa na maimulat ang kabataan o mag-aaral ng nasabing eskwelahan na ipamalas ang aking talento at importansya ng sining sa kasalukuyang henerasyon. |ifmnews
Facebook Comments