Special Registration Anywhere Anytime Program, palalawakin pa ng Comelec

Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na madaragdagan pa ang bilang ng mga botante para sa 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa pagsisimula ng Special Registration Anywhere Anytime Program, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na mas lalo nilang palalawakin ang programa para maabot ang target na 1.4 milyun na dagdag bilang ng botante.

Ayon kay Garcia, kakausapin niya ang mga local Comelec offices upang tulungan sila na mahikayat na magpatala ang mga nais bumoto lalo na ang mga kabatana.

Bukod sa mga gym, universities at public places, plano nilang ikasa ang special registration program sa mga secondary school.

Hinihikayat rin ni Garcia ang lahat ng kabataan na samantalahin ang pagkakataon upang makaboto at makapili ng mga susunod na lider ng barangay o bansa.

Maging ang mga botante na-deactivate na ang rehistro ay hinihimok na magpa-activate mula upang makaboto na rin sa susunod na halalan.

Facebook Comments