Special relief flight para sa mga Pilipino sa Myanmar, kasado na

Nagkasa na ng special relief flight para sa mga Pilipino sa Myanmar ang Embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa.

Itinakda sa ika-30 ng Agosto ang biyahe pauwi ng Pilipinas sa pamamagitan ng Yangon-Vientiane Manila Special Relief Flight via Myanmar National Airlines o MNA.

Hinihikayat ng Embahada ang mga Pilipino sa Myanmar na gusto nang umuwi sa Pilipinas na magparehistro hanggang sa Linggo, ika-22 ng Agosto 2021.


Sa mga Pilipinong kailangan ng tulong para sa pamasahe pauwi sa Pilipinas, maaaring makipag-ugnayan sa Embahada sa pamamagitan ng kanilang email address: yangonpe.atn@gmail.com.

Samantala, sa mga Pilipino sa Myanmar na interesadong magpabakuna ng COVID-19 vaccine, magparehistro lamang para sa survey ng Embahada.

Facebook Comments