Special relief flight sa OFWs sa Myanmar, dumating na rin sa bansa

Dumating na rin sa bansa ang special relief flight mula Yangon, Myanmar.

Kabilang sa nakasama sa special flight ang 19 na stranded Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Yangon.

Ito ay kinabibilangan ng mga Pilipinong guro at professionals na nagtapos na ang kontrata sa Myanmar.


Ito na ang ika-anim na relief flight na isinagawa ng Philippine Embassy sa Yangon para sa stranded OFWs doon.

Tiniyak naman ng Embahada na magpapatuloy ang kanilang repatriation sa distressed Filipino workers sa Myanmar.

Facebook Comments