Special rescue and recovery training ng kapulisan sa buong bansa, inihahanda na muli ng PNP sakaling dumating ang “The Big One”

Sa punong balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Randulf T. Tuaño na patuloy na irere-fresh sa mga kapulisan hindi lamang sa national headquarters pati na rin sa regional offices ang patungkol sa special rescue and recovery training ng ahensya.

Ang nasabing pagsasanay na ito ay isa sa magiging kahandaan ng kapulisan sakaling dumating ang malaking sakuna sa bansa.

Ayon pa kay Tuaño, nagsisimula na rin ang instructions sa pagbibigay ng mga “Go Bags” sa mga kapulisan.

Isa pa sa iinspekyunin ang kahandaan ng ahensya sa mga logistics kagaya ng rubber boat, equipment, ambulansya, at iba pa.

Dagdag pa nito, pinapa-audit na din ang mga satellite phones sa national headquarters at mga regional offices dahil ito lang ang magiging exempted sa komunikasyon sakaling dumating ang malaking sakuna.

Facebook Comments