Isinagawa ng Commission on Elections San Nicolas ang isang espesyal na satellite voter registration para sa mga miyembro ng indigenous people (IP) sa Barangay Malico sa nasabing bayan sa Pangasinan.
Kabuuang 30 miyembro ng indigenous people (IP) sa nasabing barangay ang naiparehistro ng komisyon kung saan sa isang panayam sinabi ng opisyal ng Election Officer ng San Nicolas na si Gina Aquino na ang region-wide simultaneous special satellite registration ay ginanap noong Enero 14 at inilaan para sa mga mahihinang sektor gaya na lamang ng katutubong mamamayan sa lugar.
Aniya, ito umano ang kanilang ikalawang espesyal na pagpaparehistro at tinatarget umano ng kanilang komisyon ang miyembro ng IP at matatandaang isinagawa nila ang una nito noong Hulyo noong nakaraang taon.
Hindi bababa sa pitong aplikante ang nagparehistro kung saan lima sa kanila ang nag-a-apply para sa paglipat at dalawa para sa correction of entry.
Mayroong 23 na Ips ang nagparehistro noong Hulyo 2022 sa kanilang unang satellite registration sa parehong barangay.
Sa kabila ng kakaunting bilang, sinabi ni Aquino na naisakatuparan nila ang kanilang layunin na ilapit ang mga serbisyo ng COMELEC sa mahihinang sektor dahil malayong na ang kanilang lugar sa town proper na matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng hangganan ng mga lalawigan ng Pangasinan at Nueva Vizcaya.
Dagdag pa ng opisyal bumalik umano sila sa lugar dahil naniniwala sila na dapat inclusive at mas malawak ang partisipasyon. Hindi umano dahilan ang layo ng lokasyon para hindi na maging accessible para sa kanila ang serbisyo.
Nagpasalamat naman ang opisyal sa LGU San Nicolas dahil sa ibinigay para sa transportasyon maging ang kapitan ng barangay ng Malico na si Jaime Segundo, dahil aniya, nakatipid ng pera at oras sa pagpunta sa town proper para magparehistro ang kanilang mga nasasakupan. |ifmnews