Inamin ni House Majority Leader Martin Romualdez na malabong magkaroon ng special session para sa panukalang pagpapalawig sa paggamit ng pondo ng Bayanihan 2.
Ayon kay Romualdez, hindi na kasi napag-usapan sa pulong sa Malacañang noong Biyernes ang pagpapatawag ng special session para sa Bayanihan 2.
Ayon naman kay Deputy Speaker Wes Gatchalian, mas nais ni House Speaker Lord Allan Velasco na pagtuunan na lamang ang pagpapatibay sa Bayanihan 3.
Aniya, may mga probisyon ng Bayanihan 2 na nakapaloob naman sa Bayanihan 3 at ang ang ikatlong Bayanihan Bill ay mas pinagandang bersyon ng mga nakaraang Bayanihan laws.
Samantala, bukas naman si Romualdez sakaling magpasok ng modification ang Senado o ang Bicam sa wordings at conditions sa B3 upang matiyak na hindi mare-revert ang pondo sa National Treasury sakaling abutan ulit ng expiry ng validity at may hindi pa nagagamit na pondo.
Nasa P18 billion mahigit pa ang hindi nagagamit na pondo sa Bayanihan 2 na babalik sa Treasury sa oras na mapaso na ang batas ngayong June 30.