Special session para sa Bayanihan Act 2, di na kailangan ayon sa Palasyo

Walang nakikitang dahilan ang Palasyo upang madaliin ang pagkakaroon ng Bayanihan Act 2, kasunod ng patuloy pa ring krisis na kinakaharap ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, may resources pa namang magagamit ang pamahalaan para sa COVID-19 response.

Dagdag pa ni Roque, hindi na rin dapat pang magkaroon ng special session ang Kongreso para sa panibagong stimulus package.


Ito’y dahil kaya namang matalakay ang Bayanihan Act 2 sa pagbabalik ng regular na sesyon sa Kongreso sa Hulyo pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

Una nang lumabas sa mga ulat na planong paglaanan ng Kongreso ang Bayanihan Act 2 ng mula P140 billion hanggang P200 billion para sa nagpapatuloy na COVID-19 response ng pamahalaan.

Facebook Comments