Special Task Force-BARMM, inilunsad para sa mapayapang Eleksyon 2025

Sa layuning matiyak ang maayos at mapayapang 2025 National and Local Elections, pormal nang inilunsad ang Special Task Force-BARMM sa PRO-BARMM Headquarters.

Ayon kay PLtGen. Bernard Banac, commander ng Area Police Command-Western Mindanao, ang pagbuo ng STF-BARMM ay kasunod ng isinagawang Political Candidates Forum at Peace Covenant Signing nitong March 19, 2025 sa 6th Infantry Division Headquarters, Awang, Cotabato City na dinaluhan mismo ni PNP Chief PGEN Rommel Francisco Marbil, gayundin ng iba pang peace initiatives sa buong Bangsamoro Autonomous Region.

Matapos ang paglulunsad ng Special Task Force, magpapatuloy naman ang aktibong pagpaplano, simulation exercises, at koordinasyon upang tiyakin ang kahandaan ng lahat ng law enforcement actions.


Ani Banac, layon itong matiyak ang ligtas, patas, at mapayapang halalan sa rehiyon sa pamamagitan ng kooperasyon, pagkakapantay-pantay, at pagsulong ng pangmatagalang kapayapaan.

Ang STF-BARMM ay inaasahang magiging pangunahing puwersa sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa papalapit na halalan ngayong Mayo 2025.

Facebook Comments