Special Task Force na tututok sa Dacera case, binuo na ng NCRPO

Bumuo ng isang special task force ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na tututok sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera.

Ayon kay NCRPO Police Brig. Gen. Vicente Danao Jr., balewala na ang ultimatum na ipinresenta ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas kaugnay sa pagsuko ng mga taong mayroong kinalaman sa pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant.

Aniya, kulang-kulang din ang mga ibinigay na ebidensya ng mga pulis laban sa mga itinuturo nilang nasa likod ng pagkamatay ng dalaga.


Kasalukuyan ding hindi pa kumpirmado ang intoxication sa droga bilang sanhi ng pagkamatay ni Dacera.

Kasabay nito, nagbabala naman si Danao na naka-monitor sila sa mga tinuturing nilang suspek sakaling may balak tumakas sa mga ito.

Magugunitang napalaya na mula sa pagkakadetene Miyerkoles ng gabi ang tatlong suspek sa kaso ni Dacera na natagpuang patay sa isang hotel sa Makati noong Enero 1.

Facebook Comments