Manila, Philippines – Bumuo na ng special team ang Bureau of Internal Revenue na susuri sa tax records ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, layon ng grupo na alamin kung may posibleng tax liabilities si Bautista.
Aniya, iimbestigahan din ng BIR ang asawa ni Bautista na si Patricia Paz at iba pang nakatransaksyon ni Bautista bago pa siya maupo sa COMELEC.
Ang special team ay pamumunan ni Regional Director Glen Geraldino ng revenue region 8, kasama sina Regional Director Manuel Mapoy, at Revenue District Officers Bethsheba Bautista, Petrolino Fernando at Isabel Paulino.
Maalala na inakusahan ni Patricia si Bautista dahil sa cash deposits at iba pang ari-arian na hindi niya idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth o SALN.