Special team na magbabantay sa muling pagbabalik-operasyon ng POGO, binuo ng PNP

Isang special team ang binuo ng Philippine National Police (PNP) na tututok operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operatos (POGOs) sakaling lumabag ito sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, may itinakda nang guidelines ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Finance (DOF) para makapag-comply ang POGOs.

Hindi rin aniya hahayaan ng pamahalaan ng makapag-operate ang mga ito kapag hindi nakasunod sa nasabing panuntunan.


Nabatid na una nang pinayagan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang POGO na magkaroon ng partial operations basta’t siguraduhing nakasuot ng face mask, nasusuri ang body temperature, sumusunod sa social distancing at proper sanitination sa mga establisyemento nito.

Facebook Comments