Special tracker teams ng PNP, tinutugis na si dating Presidential Spox Harry Roque

Puspusan na ang ginagawang paghahanap ng binuong special tracker teams na pinangungunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ito ay makaraang madawit ang pangalan ni Roque sa umano’y illegal POGO operations sa bansa at ngayo’y tinawag nang pugante ng mga dati nitong kasamahan sa House of Representatives.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, committed ang Pambansang Pulisya sa kanilang mandato na ipatupad ang batas at sinisiguro din nitong ipatutupad ang manhunt laban kay Roque na may highest level of professionalism at paggalang sa due process.


Una nang sinabi ng CIDG na wala sa dalawang address nito sa Metro Manila si Roque matapos nilang isilbi ang arrest order laban dito mula sa Kamara.

Facebook Comments