Special treatment sa anak ni Secretary Remulla, pinuna ng ACT Teachers Partylist

Umaangal ang ACT Teachers Partylist dahil nakikita nilang patuloy ang umano’y espesyal na pagtrato sa anak ni Justice Secretary Crispin ‘Boying’ Remulla na inaresto dahil sa iligal na droga.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, unang patunay na espesyal ang pagtrato sa kaso ng anak ni Remulla ay ang delay na paglalabas ng impormasyon ukol sa pag-aresto at pagkulong dito.

Tinukoy rin ni Castro ang pag-blur sa mukha ng anak ni Remulla sa mga mug shot na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa media habang ang ibang drug suspect ay hinihayaan nila na malantad ang mukha sa publiko.


Pinuna rin ni Castro ang hindi pagsasailalim sa anak ni Remulla sa mandatory drug test na ginagawa agad o sa loob ng 24 oras sa lahat ng naaaresto dahil sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Kinukwestyon din ni Castro kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa naisasampa sa Pasay prosecutors ang kaso laban sa anak ni Remulla na dapat ay noong nakaraang linggo pa ginawa.

Facebook Comments