Special treatment sa ilang miyembro ng PDP-Laban na naghain ng kandidatura kahapon, itinaggi ng COMELEC

Itinanggi ng Commission on Elections (COMELEC) na binigyan nila ng “special preference” ang paghahain ng kandidatura ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ito ay matapos magsama-sama ang 7 senatorial bet ng administrasyong Duterte sa loob ng COMELEC tent para sa isang photo ops habang isa-isa rin itinaas ni Duterte ang kamay ng bawat kandidato.

Paliwanag ni COMELEC Commissioner James Jimenez, nakiusap sila sa mga ito na palabasin ang ilang kasama dahil masyado na silang marami.


Aniya, hindi na rin nila kontrolado ang ginawang pagtataas ng kamay ni Duterte sa kaniyang mga sinuportahang kandidato.

Giit nito, patas ang naging trato nila sa lahat ng partido at kandidatong naghain kanilang kandidatura.

Facebook Comments