Special vaccination days, ikakasa ng pamahalaan sa katapusan ng Marso

97

Sa layuning mapataas pa ang vaccination coverage sa bansa at maabot ang target na 70-M fully vaccinated individuals bago matapos ang Marso, ikakasa ng pamahalaan ang special vaccination days.

Sa press conference sa Malacañang, sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na isasagawa ito sa Marso 29-31 sa Cebu province at Region 7.

Habang sa Marso 30 hanggang Abril 1 naman ito aarangkada sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


Ani ni Vergeire, pupunta ang kanilang teams sa mga nabanggit na rehiyon dahil dito nanatiling mababa ang vaccination coverage.

Nabatid na sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) nasa 65.5-M mga Pilipino na ang fully vaccinated.

Facebook Comments