MANILA – Maglalagay ng special website ang Commission on Elections (Comelec) kung saan makikita ang resulta ng May 9 elections.Sinabi naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na kanila lamang bubuksan ang website nawww.pilipinaselectionresults2016.comkapag nagsara na ang mga polling precincts, mamayang ala-singko ng hapon.Makikita sa website ang election results at certificate of canvas na ita-transmit sa central server ng Comelec.Samantala… Nilinaw ni Jimenez na resulta lamang sa Senatorial at Partylist ang kanilang bibilangin dahil ang Presidential at Vice Presidential canvassing ay isasagawa ng national board of canvassers sa kongreso.
Facebook Comments