Specific task ng PNP sa pagpapatupad ng Anti-Terrorism Act of 2020, sinisimulan na

Nagsimula na ang Philippine National Police (PNP) sa paggawa ng mga specific task ng mga pulis sa pagpapatupad ng RA 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Ito ay sa harap na rin nang hinihintay na implementing rules and regulations ng nasabing batas bago tuluyang ipatupad.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, sang-ayon siya sa obserbasyon ni UN Secretary General Antonio Guterres na maaaring samantalahin ng mga terorista ang COVID-19 pandemic para sa kanilang mga terroristic activities.


Sa ngayon kasi, nagagamit ng mga terorista ang digital technology para makapaghasik ng terorismo, maging ang cyber-attacks at bio-terrorism.

Sinabi ni Gamboa, kapag fully operational na ang Anti-Terrorism Law, mas madali nang matutukoy ang mga kabilang sa terrorist organization habang protektado na rin ang mga law enforcer katulad ng PNP sa paghabol sa kanila.

Facebook Comments