SPED LEARNERS SA UMINGAN, NAGPAKITA NG KAKAYAHAN SA PAGGAWA NG KANDILA

Sa bayan ng Umingan, tampok ang galing at malikhaing kamay ng mga SPED learners sa isinagawang paggawa ng kandila.

Layunin ng aktibidad na paunlarin ang kanilang kasanayan sa sining at paggawa habang pinalalakas din ang tiwala sa sarili ng mga batang may espesyal na pangangailangan.

Masigla nilang tinutunan ang bawat hakbang, mula sa pagtunaw ng wax, paghuhulma, hanggang sa pagdekorasyon ng mga kandila, na simbolo ng pag-alala at pag-asa.

Ayon sa mga guro, ang simpleng aktibidad ay hindi lamang paraan ng paggunita sa Undas kundi pagkakataon din upang ipakita na ang bawat bata, anuman ang kalagayan, ay may kakayahang magbigay liwanag sa kanilang komunidad.

Facebook Comments