Puspusan ang pagsisikap ng West Central Elementary School SPED Center na linangin ang kakayahan ng mga Children with Special Needs sa ilalim ng kanilang Transition Curriculum, isang programang nakatuon sa pagpapalakas ng life skills bilang paghahanda sa kanilang kinabukasan.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay Master Teacher Jennifer Paras, sa ngayon aniya ay natututo ang kanilang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng paggawa ng handmade local art materials tulad ng Christmas gift wrappers at air fresheners.
Aniya, malaki ang maitutulong ng life skills na ito upang maging handa sila sa trabaho o sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain kapag natapos nila ang pag-aaral.
Dagdag pa niya, mahalaga ang patuloy na pagtutok sa ganitong klase ng kurikulum upang mabigyan ang mga bata ng mas magandang oportunidad sa hinaharap.
Samantala, ang mga produktong gawa ng mga estudyante ay binebenta sa abot-kayang halaga sa mga guro, kapwa estudyante, at mga interesado. Layunin ng pagbebentang ito na palakasin ang tiwala ng mga mag-aaral sa sarili at ituro ang halaga ng kanilang paggawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨