Speed limit, mahigpit na ipatutupad sa buong bansa

Lumagda sa isang kasunduan ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) at isang Non-Government Organization (NGO) para matukoy ang dapat na bilis ng mga sasakyan sa iba’t-ibang kalsada.

Nitong 2018 ay nakapagtala ang Department of Transportation (DOTr) ng nasa 11,000 insidente ng banggaan sa bansa.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Transportation Mark De Leon – maraming insidente ng banggaan ay dulot ng speeding o mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan.


Aminado si LTO Chief, Assistant Secretary Edgar Galvante – na hirap sila sa pagbabantay at paninita sa mga lumalabag sa speed limit.

Aniya, kulang sila sa tauhan at gamit tulad ng speed gun.

Giit ni Atty. Sophia Monica San Luis – mahalagang maipatupad ang speed limit dahil nababawasan nito ang aksidente sa kalsada.

Sa ilalim ng Joint Memorandum Circular ng DOTr, DPWH at DILG, ang mga open roads o yung mga kalsadang hindi matao at walang kabahayan ay may speed limit na 80 kilometers per hour, nasa 40 kph naman sa through streets o malapit sa mga kabahayan o estalibisyimento habang ang crowded roads o mas matataong lugar at mas maraming sasakyan ay 20 kph.

Ang mga circumferential at radial roads sa Metro Manila ay 60 kph ang speed limit.

Nasa 100 kph naman ang speed limit ng class 1 vehicle sa NLEX, SLEX, SCTEX, TPLEX, CAVITEX, MCX, Skyway at Star tollway.

Facebook Comments