Manila, Philippines – Hiniling ni Metro Manila Development Chairman Winston Castelo sa MMDA na ipatupad ang 60-kilometer per hour speed sa kahabaan ng Batasan-San Mateo Road sa Quezon City.
Ang rekomendasyon na ito ni Castelo ay bunsod ng aksidente na kinasangkutan ng isang heavy truck at ikinasawi ng apat na katao.
Paliwanag ni Castelo, kapag naipatupad ang speed limit sa lugar ay mas mabibigyan ng atensyon ang pagsusuri ng road worthiness ng mga sasakyan.
Hinimok din ng kongresista ang mga kaukulang ahensya sa pagpapatupad ng mahigpit na implementasyon ng mga regulasyon sa mga kalsada.
Pinapapanagot din ng kongresista ang LTO dahil ito ang responsable sa pagtiyak ng road worthiness ng mga bumabyaheng sasakyan.
Facebook Comments