SPES Program slots puno na – PESO Dagupan

Puno na ang slot para sa mga estudyanteng magsusummer job ngayong taon sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES) ayon sa Public Employment Service Office ng Dagupan.
Ayon kay Joy Siapno , PESO Manager ng Dagupan, 180 slots ang umano ang iminungkahi ng kanilang opisina ngunit bumaba ito sa 90 slots lamang dahil natapyasan umano ang kanilang budget.
Ang programa ay magsisimula na sa susunod na buwan at tatagal ng 20 araw. 60% ng sahod ay manggagaling sa LGU at 40% sa Department of Labor and Employment(DOLE).
Bagamat puno na ang SLOT sa PESO Dagupan sinabi ni Siapno na ang mga estudyanteng nagnanais pang mag-apply ay maaring magtungo na lamang sa DOLE Dagupan at magdala ng photocopy ng NSO Birth Certificate at latest certificate of indigence.
[image: 53014720_1459440647531102_4468587861427355648_n.jpg]

Facebook Comments