
Maagang nagtungo ang ilang mananampalataya sa National Shrine of Our Lady of the Rosary of La Naval de Manila o Sto. Domingo Church sa Quezon City ngayong Ash Wednesday, hudyat ng pagsisimula ng Lenten Season o Kuwaresma.
Alas-6:15 ng umaga nang simulan ang unang misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Winston Ferdinand Roman I F. Cabading.
Sa kaniyang homily, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pag-aayuno bilang bahagi ng spiritual discipline sa pagsisimula ng Kuwaresma.
Dagdag pa niya, hindi lamang tuwing Lenten season dapat isinasagawa ang mga gawain ng pananampalataya at disiplina sa pagpapakita ng debosyon sa Panginoon kundi maging sa pang-araw-araw na buhay ng mga mananampalataya.
Ang susunod na misa ay nakatakdang magsimula alas-8:00 ng umaga, habang alas-7:00 naman ng gabi ang huling misa.










