Hangad ngayon ng bagong Administrasyon ng Provincial Government ng Maguindanao na gawing Peace and Economic Zone ang Shariff Aguak-Pagatin (Datu Saudi), Mamasapano, at Datu Salibo o mas kilala bilang SPMS Box.
Layunin nito ay para mabigyan ng kaginhawaan ang mga residenteng naninirahan sa mga nabanggit na bayan ayon pa kay Maguindanao Governor Elect Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa naging panayam ng DXMY.
Panahon na aniyang masolusyunan ang mga nangyayaring tensyon at maibigay ang tunay na kapayapaan at kaunlaran sa SPMS Box giit pa ni Gov. Bai Mariam.
“ Tututukan natin ang ugat ng kahirapan, ang edukasyon ng mga kabataan, ang away sa lupa at away pamilya o Rido sa Maguindanao” giit pa ni Bai Mariam.
Mismong ang gobyerno ang bababa sa SPMS box, para ihatid ang lahat ng serbisyong nararapat para sa kanila.
“Political Will, Good Governance at Transparency” ito ang inyong maasahan sa aking panahon giit pa ni Gov. Bai Mariam.
Matatandaang lagi na lamang naapektuhan ang libo libong mga sibilyan sa SPMS Box sa tuwing nagkakaroon ng tensyon sa pagitan ng mga otoridad at armadong grupo.
Ilang buhay na rin ang nawala dahil sa kaguluhang naitatala sa SPMS Box
SPMS Box sa Maguindanao gagawing Peace and Economic Zone
Facebook Comments