SPO3 Arthur Lascañas, nagsorry sa pagbawi ng kanyang naunang pahayag

Manila, Philippines – Humingi ng tawad si retired SPO3 Arturo Lascañas sa senate committee on public order and dangerous drug dahil sa pagbawi niya sa kaniyang unang mga pahayag.
 
Ayon kay Lascañas – inalala lang niya ang seguridad ng kaniyang pamilya lalo’t malalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi sa kaniya na magsinungaling.
 
Sinabi pa ni Lascañas, may mga pagkakataon ring inutusan sila ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na pumatayng mga kriminal.
  
Iginiit rin ni lascañas na alam ni PNP Dir. Gen. Ranald Dela Rosa ang kanilang mga naging lakad.
 
Kinumpirma rin ni Lascañas na humigit kumulang sa 200 katao ang kaniyang napatay.

Facebook Comments