Spo3 Sta. Isabel At Supt. Dumlao, Nagturuan Sa Kaso Ng Pagdukot At Pagpatay Sa Koreanong Negosyante

10

MANILA – Nagturuan sina SPO3 Ricky Sta. Isabel at Supt. Rafael Dumlao sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo.Sa pagdinig ng senado kahapon, hugas-kamay si Sta. Isabel at itinuro si Dumalo na umanoy utak sa pagdukot at pagpatay sa Koreano.Iginiit naman ni Dumlao na wala siyang kinalaman sa sinasabing operasyon ni sta. Isabel at pagdukot sa koreano.Sinita ni Senator Panfilo Lacson, ang pagkakaiba ng imbestigasyon ng pulisya at National Bureau of Investigation sa kaso.Positibong kinilala ng kasambahay na si Marissa Morquicho si Sta. Isabel na pumasok sa bahay ng Koreano sa Angeles City, Pampanga.Pinadadalo naman sa susunod na pagdinig si SPO4 Roy Villegas, Case Officer Supt. Allan Macapagal gayundin ang misis at anak ni Sta. Isabel.

Facebook Comments