SPOKESMAN | Jose Marquez, itinalagang tagapagsalita ng SC

137

Manila, Philippines – Itinalaga ni Chief Justice Lucas Bersamin si Supreme Court (SC) Administrator Midas Marquez bilang spokesman ng Korte Suprema.

Si Marquez ay naging tagapagsalita rin ng Kataas-Taasang Hukuman noong panahon nina dating Chief Justices Reynato Puno at Renato Corona.

Samantala, muling nagkaroon ng partial re-organization sa Korte Suprema kasunod ng pagkakahirang kina Chief Justice Bersamin at Associate Justice Rosmari Carandang.

Sa First Division, nahirang na chairman si CJ Bersamin at miyembro sina Associate Justices Mariano del Castillo, Francis Jardeleza, Noel Tijam at Alexander Gesmundo.

Sa Second Division, tumatayo namang chairman si Justice Antonio Carpio at miyembro niya sina Justices Estela Bernabe, Alfredo Caguioa at Rosmari Carandang.

Sa Third Division, si Justice Diosdado Peralta ang tumatayong chairman habang ang mga miyembro ay sina Justices Marvic Leonen, Andres Reyes Jr., Ramon Hernando at bagong kasaping si Rosmari Carandang.

Facebook Comments