Spokesperson Harry Roque maghahain na ng COC ngayong araw

Ngayong araw ang huling press briefing sa MalacaƱang na gagawin ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque.

Ito ay matapos kumpirmahin ng kalihim na tatakbo siyang senador para sa eleksyon 2022.

Sa abisong ipinaabot ni Roque sa MPC, maghahain siya ng Certificate of Candidacy (COC) sa Comelec pasado alas dos mamayang hapon.


Tatakbo ito sa ilalim ng Peopleā€™s Reform Party o PRP.

Matatandaan na sa mga nakalipas na buwan, sinabi ni Roque na kapag tumakbo si Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio sa mataas na posisyon ay saka lamang siya magpapasya kung tatakbo din bilang senador.

Nitong Sabado ay naghain na ng kaniyang kandidatura bilang bise presidente si Mayor Sara Duterte sa pamamagitan ng kaniyang kinatawan, sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.

Wala pa namang abiso kung sino ang papalit kay Roque bilang tagapagsalita ng Pangulo.

Facebook Comments