Spokesperson ng BIFF patay sa operasyon

May bagong itinalagang tagapagsalita ang Bangsamoro Islamic Freedom Figthers Kagui Karialan Faction.
Sa impormasyong ipinarating sa DXMY, kinilala ang bagong Spokesperson na si Abu Jehad.
Matatandaang nasawi sa inilunsad na operasyon ng mga otoridad sa Sitio Macantal, Brgy Olandang, Midsayap, North Cotabato noong April 20, 2019 si Kumander Mando Mamalompong aka DM o si Abu Amer , tagapagsalita ng Karialan Faction.
Kaugnay nito, mariin namang inihayag ng military na magpapatuloy ang kanilang operasyon kontra BIFF.

Facebook Comments