Nag-abiso ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) hinggil sa paglipana ng kung tawagin ay ‘spoofing scam.’
Ayon sa PNP-ACG, ito ay tumutukoy sa paghalo ng mga text scam sa mga lehitimong mensahe gaya ng SMS o email.
Karaniwan umanong sangkot sa spoofing scam ang mga nagpapakilalang bangko o financial institution na naglalagay ng pekeng website o number.
Kaya paalala ng pulisya sa publiko, hindi dapat basta-basta pumipindot ng link sa mga natatanggap na txt o email.
Dapat ding i-verify muna sa mga bangko ang natatanggap na katulad na mensahe, bago maniwala kung galing ito sa financial institutions.
Facebook Comments