Sporting events, papayagan na sa ilalim ng MGCQ

Papayagan na ang mga sporting events sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Batay ito sa nirebisang omnibus guidelines sa implementasyon ng community quarantine na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Bukod sa sporting events, papayagan din ang iba pang uri ng mass gathering gaya ng concerts, movie screening, community assembly at non-essential work gatherings.


Pero, paglilinaw ng IATF, dapat ay limitado lang sa 50% ang venue o seating capacity.

Sa ilalim din ng MGCQ, papayagan na ang mga indoor at outdoor non-contact sports at iba pang uri ng ehersisyo tulad ng walking, jogging, running at biking basta’t nakasuot ng face mask at masusunod ang physical distancing.

Sa ngayon, wala pang lugar sa bansa ang nasa ilalim na ng MGCQ.

Patuloy na umiiral sa Metro Manila, Laguna at Cebu City ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang mga mass gathering kabilang ang sporting events.

Facebook Comments