SPORTS | Ateneo, wagi kontra U.P; Hotshots panalo kontra Aces

Nasungkit ng Ateneo Blue Eagles ang back-to-back championship matapos ma-sweep sa finals ng uaap Season 81 Men’s Basketball ang U.P. Fighting Maroon.

Tinalo ng Ateneo ang U.P. sa score na 99-81 kung saan nanguna para sa Blue Eagles ang finals MVP na si Thirdy Ravena na may 38-points.

Aminado si Ravena na ginawa nila ang lahat para hindi na makabawi pa ang U.P. at mapunta sa kanila ang momentum.


Samantala, tinambakan naman ng Magnolia Hotshots ang Alaska Aces sa score na 100-84 sa game-1 ng kanilang best-of-seven ng PBA Governors’ Cup Finals.

Naging best player sa laro si Mark Barroca na may 16-points at 6-steals kung saan iginiit nito na kinailangan nilang mag-adjust sa game-2 lalo na at may kakayahan daw ang Alaska na bumawi sa laban.

Mapapanood naman ang game-2 sa Biyernes (December 7) na gaganapin sa The Big Dome.

Facebook Comments