Manila, Philippines – Ipinababalik ng Kamara sacurriculum sa mga paaralan ang sports and culture program sa bansa.
Ito ay kasunod ng isinasagawang Palarong Pambansa saAntique na nilahukan ng mga kabataang manlalaro mula sa ibat ibang bahagi ngPilipinas.
Ayon kay Buhay PL Rep. Lito Atienza, panahon na paraibalik sa mga aralin ng mga estudyante ang sports and culture sa public oprivate schools.
Layon ng House Bill 2628 na mapaigting at mapalakas angsports at madevelop ang mga potential players na magiging kinatawan ng bansa saiba’t ibang larangan ng palakasan.
Dahil dito, ipinababalik ni Atienza ang Department ofEducation sa dating Department of Education, Culture and Sports o DECS.
Mula kasi aniya na mabuwag ang DECS at naging DEPED ayhumina na ang kalidad ng sports sa bansa.
Giit ng kongresista, mula 1970s at 1980s ay itinuturingna powerhouse ang bansa sa Asya pagdating sa sports at kinikilala ang mgamanlalaro sa buong mundo.
Dahil sa kawalan ng sapat na programa para sa sports aypalagi na lamang kulelat ang bansa.
Dagdag pa ng kongresista na mabisa ang sports sa mgakabataan at maaaring gamitin na programa ng gobyerno bilang panlaban sa iligalna droga.
Sports program, ipinababalik sa curriculum ng mga estudyante
Facebook Comments