
Nagsagawa ng komprehensibong spot inspection ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa lahat ng mga tauhang nakatalaga sa Provincial Headquarters (PHQ).
Sinuri sa inspeksyon ang kabuuang ayos ng bawat miyembro, tamang pagsusuot ng uniporme at kahandaan sa pagtupad ng tungkulin.
Ang mga personnel na may nakitang kakulangan o hindi pagsunod sa itinakdang pamantayan ay agad na inatasang itama ang mga ito alinsunod sa mga polisiya at regulasyon ng Philippine National Police (PNP).
Ayon sa tanggapan, layunin ng hakbang na ito na higit pang patatagin ang kultura ng disiplina sa hanay ng Pangasinan PNP at matiyak na naipapakita ang propesyonalismo sa paglilingkod sa publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










