Spot promotion kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa Philippine Air Force, irerekomenda ng ilang mga kongresista

85

Irerekomenda ng isang lady solon na mabigyan ng spot promotion sa Philippine Air Force (PAF) si Sgt. Hidilyn Diaz matapos na makamit ang gintong medalya sa 2020 Tokyo Summer Olympics.

Naniniwala si BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co na karapat-dapat lamang na mabigyan ng promosyon sa PAF si Diaz dahil sa inspirasyong ibinigay nito sa lahat ng mga Pilipino.


Ayon kay Co, bilang miyembro ng National Defense and Security sa Kamara ay ilalapit niya ang promotion ni Diaz sa Hukbong Panghimpapawid.

Sinang-ayunan naman ni Defense and Security Committee Chairman Raul Tupas ang suhestyon ni Co.

Aniya, imumungkahi niya kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana at sa Commanding General ng Air Force ang agad na pagproseso sa spot promotion ni Diaz.

Batid ng mga kongresista na malaking tulong para sa pagtaas ng moral ng mga sundalo ang naging tagumpay ni Diaz.



Facebook Comments