Nilinaw ng Department of Health (DOH) maging ng World Health Organization (WHO) na hindi nila inirerekomenda ang pagsasagawa ng disinfectant spraying at misting bilang epektibong paraan para labanan ang COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posibleng magdulot lamang ito ng irritation lalo na sa mata at balat.
Maaari ding magbunga ito ng asthma at allergies.
Nabatid na namatay ang police doctor na si Captain Casey Gutierrez matapos makalanghap ng kemikal sa tinatrabahuhan nitong quarantine facility sa Philippine Sports Arena sa Pasig City at na-ospital din ang dalawa sa kasamahan nito.
Nitong May 24, nagsasagawa ang mga ito ng decontamination procedure nang aksidente nilang magamit ang isang concentrated decontamination solution na nagdulot ng irritation at hirap sa paghinga.