Sputnik Light at Sinopharm, pwede nang gamiting COVID-19 booster shot sa Pilipinas

Maaari ng gamitin bilang booster shot ang single dose vaccine ng Russia na Sputnik Light at ang Sinopharm.

Ito ay matapos amyendahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng nasabing mga bakuna.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pwedeng iturok ang Sinopharm bilang homologous (same brand) booster at AstraZeneca, Moderna, at Pfizer naman bilang heterologous (mixed brand) booster tatlong buwan pagkatapos ng second dose.


Habang maaari na rin maging booster shot ang Sputnik Light sa mga naturukan ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, at Sinovac tatlong buwan din makalipas ng second dose.

Facebook Comments