Hindi kasama sa maibibigay na bakuna ng COVAX Facility ng World Health Organization (WHO) ang Sputnik V.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na hindi pa kasi kasali sa nabibigyan ng Emergency Use Listing (EUL) ng WHO ang Sputnik V.
Bagama’t gusto sana aniya nilang masali rin sa mga bakunang ibinibigay ng Covax Facility ang Sputnik V dahil sa mataas na efficacy rate nito ay hindi pa aniya kumpleto ang proseso nito para sa EUL.
Dahil dito, sinabi ni Abeyasinghe na hangga’t walang nailalabas na EUL ang WHO para sa Sputnik V, hindi ito magiging bahagi ng inisyatibo ng Covax Facility.
Kasama ang Pilipinas sa mga mahihirap na bansa sa buong mundo na benepisyaryo ng mga bakuna kontra COVID-19 galing Covax Facility.